Monday, September 1, 2008

No man is an island

Meaning

Human beings do not thrive when isolated from others. Donne was a Christian but this concept is shared by other religions, principally Buddhism.

Origin

This is a quotation from John Donne (1572-1631). It appears in Devotions Upon Emergent Occasions, Meditation XVII:

"All mankind is of one author, and is one volume; when one man dies, one chapter is not torn out of the book, but translated into a better language; and every chapter must be so translated...As therefore the bell that rings to a sermon, calls not upon the preacher only, but upon the congregation to come: so this bell calls us all: but how much more me, who am brought so near the door by this sickness....No man is an island, entire of itself...any man's death diminishes me, because I am involved in mankind; and therefore never send to know for whom the bell tolls; it tolls for thee."

13 comments:

Audrey:] said...

HELLO!! Nosebleed naman to...

Ok sarili kong version ng No man is an island...

Walang taong isla dahil una sa lahat [sa aking opinyon] , tayo ay ginawa ng Diyos upang magtulungan sa isa't-isa. Nung pinanganak tayo, hindi naman tayo sumulpot na lamang nang mag-isa. Kailangan din natin ng ina at ama. Ngayong nag-aaral tayo, hindi naman palagi eh mag-isa kang gagawa ng assignments. Minsan, kailangan mo ring mangopya [hindi palagi] at makipaggrupo sa iba't ibang personalidad: pangit man o maganda.

sabi nga:
Walang taong parang isla;
Hindi niya kayang mag-isa.
Bawat tuwa nito'y tuwa ko rin;
Bawat dusa nito'y aking angkin.

Isa't isa'y ating kailangan,
Kaya nga't aking ipaglalaban
Na para bang bawat isa;
Ay kapatid ko't kaibigan.

Kahit sa pagtulog nung bata ka pa, ang nanay mo o tatay mo siguro hinehele ka... tsaka sino nagpaaral sa iyo? hindi ba sila?

Tapos nung HATAW II... nung kailangang may magrecite o isa-isa tayong tatawagin ni Mrs. Palisoc... sinong tumulong? di ba? hahaha... marami! Tsaka paano tayo makakagawa ng Achievement sa Arts? tsaka bakit tayo naging Edison? di ba dahil sa pagtutulungan natin? Walang Edison kung kanya-kanya tayo... Mga ayaw tumulong... paminsan-minsan naman makisama kayo... dahil kapag dumating ang oras na may kailangan kayo, sinong tutulong sa inyo? Siyempre yung tinulungan niyo hindi ba? so ayun...

NO MAM IS AN ISLAND! TAPOS!

Audrey:] said...

ako pinakauna hahaha!

Audrey:] said...

may dagdag pa ako...

Sa Volleyball... hindi puwedeng mag-isa ka doon... ano ka special player? VIP? May mga tutulong rin sa iyo... Yung mga co-players mo tsaka yung audience siyempre! Kung wala sila, hindi ka mabibigyan ng fighting spirit! You have the P! P-O! P-O-W-E-R the POWER! Wooo! You have the POWER! WOO! Tapos "Hit that bola! hit that bola!"

Ako, nung medyo sumakit yung tiyan ko... May tumulong sa akin... sabi ko MAM! GUSTO KO NANG MAGCR!!!! waahhhhh sabay iyak... tapos binili niya ako ng tissue at pinuntahan niya ako sa CR tapos inabot ung tissue habang ako'y..... *censored*...... ok... tapos pagkalabas ko, maginhawa na pakiramdam ko... Sabi ko... Thankyou mam! You saved my life! Sabi niya... ok lang yan... ganyan talaga ang buhay... Minsan may call of nature na wala sa oras hahaha... Hindi ko magagawa un nang mag-isa baka magkalat pa ako nang wala sa lugar [hala] hahaha

Tapos sa musika... Nakakasawa ang solo singer... Dapat mayroon ding duet... "Perfect Combination..." love + you and me... parang ganun....minsan kapag nakakasawa ang duet... sige chorus na lang! hahaha... Di ba? Di ba? O ano ha? San ka pa?

Tapos kapag may presentation... ANG BORING KAYA PAG MONOLOGUE.... DAPAT marami! Dialogue? Ok na rin.. pero mas maganda pa rin pag marami!

Pag may group project... kapag isa lang ang gumawa sa grupo at nalaman ng teacher, magagalit un! sasabihin nea ung gumawa lang ang may grade....

Sa department store... isa lang ba ang nagbibigay ng service? Marami!

Sa paggawa ng movie... Ang direktor lang ba ang nagtatrabaho?

Ang singer... kailangan niya ng mic... kung walang mic, hindi lalakas ang boses niya. Kailangan rin niya ng speaker... at Background music..... ganoon rin ang tao... may kailangan sa ibang tao..

yung fruit salad... isang prutas lang ba ang nandoon? :] Halo-halo? Saging con Yelo? Mais Con Yelo?

Ang chocolate? isa lang ba ingredient nun?

Ang bola- panu siya naging bola?

LAHAT NG BAGAY AY NAGAWA O NAYARI sa pamamagitan ng iba....

:]]]]]]]]]]]]]]]]]]]]]]]]]]]]]]]]]]

So ayun... Dito na nagtatapos ang aking comment hahaha teka COMMENT BA TO? XD

anyway... sumasang-ayon naman ako sa article... GUSTO KO LANG GAWING MAS MALINAW AT PALAWAKIN PA ITO NANG HUSTO UPANG MAINTINDIHAN :]

renzmarzan24 said...

Para sa aking sariling opinyon, walang taong kayang mabuhay mag-isa kaya kailangan niya ng kasama. Lalo na sa panahon ngayon, kung wala kang katulong, mahihirapan kang mag-isa. Kung sasabihin mong hindi mo kailangan ng mga taong nasa paligid sayo, masasabi kong ito ay isang pag-aakala, sapagkat nangangailangan tayo ng interaksyon sa kapwa upang mas mapalawak ang pag-iisip natin..

Halimbawa, hindi mo malalaman ang bawat detalye sa ating bansa kung walang tagapagbalita. Hindi ka matututo ng mga bagay kung walang tagapagturo. Maraming bagay ang hindi kaya ng mag-isa lamang.

renzmarzan24 said...

un ang aking masasabi..

Daniel G said...

Ang sanglibutan ay isang aklat, na sinimulan ng Diyos, wawakasin ng Diyos. Nagsimula ang kanyang nilikha sa sakdal, at magtatapos sa sakdal.

Daniel G said...

Saan po ilalagay yaong tungkol sa kapayapaan sa pagitan ng Moro at Kristiyano?

Daniel G said...

Saan po ilalagay yaong aking mga kuro-kuro patukoy sa kapayapaan sa pagitan ng Muslim at Kristiyano?

Daniel G said...

Saan po ilalagay yaong aking mga kuro-kuro patungkol sa paksang 'Kapayapaan sa Pagitan ng Moro at Kristiyano'?

Daniel G said...

Patawad po sa paulit-ulit. Akala ko hindi napost eh.

renzmarzan24 said...

at kelan din ang deadline nung cnabi ni daniel????? salamat..

Audrey:] said...

SA PRoject 2.1 ako nagpost haha

Jess :) said...

Ang aking mga sagot sa homework na ito ay batay sa aking sariling pananaw:

1.Mapapansin ng nakararami sa atin na madalas hindi magkasundo ang mga kristiyano at mga moro. Madalas, hindi nagkakasundo ang dalawang pangkat na ito ay dahil sa kanilang pagkakaiba sa mga paniniwala . Walang pagkakaisa ang kanilang mga pananaw at paniniwala sa buhay. Ang ibang paniniwala ng mga kristiyano ay hindi pinaniniwalaan ng mga moro at vice versa. Hindi kasi nagkakasundo ang relihiyon ng kristiyano at moro. Isa pang dahilan ng di pagkakasundo ng dalawang pangkat ay ang maling pagiisip. Kadalasan, ayaw natin makipagsundo sa isa pang pangkat sapagkat iniisip natin na masasama silang tao. Ito na marahil ang masamang epekto na ginawa ng MILF sa atin kaya madami sa atin ay takot na lumapit sa mga moro.

2.Paano nga ba magbibigkis ang sambayanang muslim at kristiyano sa bansa? Marahil, ang pinakaepektibong paraan upang magkasundo ang dalawang pangkat ay ang pagkakaroon ng respeto. Dapat natin irespeto ang kanilang pinaniniwalaan at uri ng pamumuhay. Hindi natin sila dapat husgahan sapagkat sila rin ay mga kapatid natin bilang anak ng Diyos. Kung ikaw ay isang kristiyano, dapat maging mabuti kang halimbawa sa iyong mga kapwa kristiyano pati na rin sa mga muslim. Kung ikaw naman ay isang muslim, maging mabuti ka ring halimbawa sa iyongkapwa muslim at ibang kristiyano. Kung ganito ang ating gagawin, siguradong maiiwasan ang di pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawang pangkat.


3.Bilang isang estudyante, masasabi ko na wala akong magandang maitutulong upang matigil na ang kaguluhan sa Mindanao. Ngunit bilang isang kristiyano, naniniwala ako sa malaking epekto ng dasal sa ating buhay. Naniniwala ako na laging handa makinig ang Diyos sa ating mga hiling. Ipagdadasal ko na lang ang mga bikitima ng kaguluhan sa Mindanao at ipagdadasal ko din na maging maganda ang resulta ng programa ng gobyerno para sa katahimikan ng bansa.